REGULAR NA PAGSUBAYBAY SA PRESYO NG MGA PANGUNAHING PANGANGAILANGAN AT BILIHIN, TINIYAK NG DTI

Nagbigay ng katiyakan ang Department of Trade and Industry sa regular na pagbabantay sa presyo ng mga basic necessities and prime commodities na binibili sa mga supermarket at mga commercial establishments dahil sa ito ang nagsisilbing batayan nila sa pagpapalabas ng suggested retail price o SRP.
Ang layunin ng SRP ay magbigay ng impormasyon at direksyon sa mga retailer at consumer at makaiwas sa mga mapanlinlang at mga unethical ng mga transaksyon maging mabigyan ang mga consumer na pumili ng mga produktong nais nila sa presyong nararapat para rito.
Ang Price Act naman ay nagbigay rin ng katiyakan sa patas na pagpepresyo sa mga pangunahing pangangailangan at pangunahing bilihin.
Samantala, hinikayat naman ng DTI ang publiko na i-download ang e-Presyo app ng DTI para suriin ang mga SRP.
Facebook Comments