Regular patrol at surveillance sa Bajo de Masinloc, tuloy ayon sa AFP

Iginiit ng Armned Forces of the Philippines (AFP) na magpapatuloy ang regular patrol at kanilang surveillance operations sa Bajo de Masinloc, sa kabila ng mapanganib na aksyon ng China.

Ito’y kasunod na rin ng pagpapakawala ng flares ng China sa daanan ng eroplano ng Philippine Air Force (PAF) habang nagsasagawa ng maritime security operations sa loob ng Philippine maritime zones noong August 8.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, kahit na may ganitong insidente, mananatiling matatag ang kanilang paninindigan na ipaglaban ang karapatan ng Pilipinas sa naturang lugar, ainsunod sa international law, partikular ang United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.


Nauna nang kinondena ng AFP ang pagpapalipad ng dalawang aircraft ng People’s Liberation Army Air Force sa Bajo de Masinloc, na sabay sa routine maritime patrol ng Philippine Air Force sa lugar.

Ayon sa AFP, ang ganitong aksyon ay malinaw na pakikialam at panghihimasok sa isang legal flight operations sa loob ng ating teritoryo, na isang paglabag sa international law at regulations sa safety of aviation.

Facebook Comments