Regular rotation, gagawin ng mga pulis na nagbabantay sa mga Quarantine Control Points para makaiwas sa sakit dahil sa sobrang init

Nakabilad sa init ng araw habang suot pa ang kanilang uniporme.

Ito ang kalbaryo na kinakaharap ngayon ng mga pulis na nagsisilbi ring frontliner kontra COVID-19.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesman Police Brigadier Gen. Bernard Banac, maliban sa virus, isa sa mga hamon na kinakaharap ngayon ng PNP ang sobrang init ng panahon.


Kaya naman ipinagutos na ni PNP Chief Police Gen. Archie Francisco Gamboa sa lahat ng mga unit commanders ang pagsasagawa ng regular rotation ng police frontliners upang mabigyan ng sapat na pahinga ang mga babad sa init ng araw.

Kadalasan, kada 2 oras ang palitan sa checkpoint ng mga pulis na naka-duty pero pwede itong gawing kada isang oras lalo na kung tirik na ang araw.

Nagpaalala naman si Banac sa mga pulis ng palaging uminom ng tubig upang laging hydrated; at maglagay ng sapat na tents sa mga Quarantine Control Points.

Patuloy naman ang monitoring ng PNP Health Service sa kalusugan ng mga pulis laban sa COVID-19 at sa init ng panahon.

Facebook Comments