Regular session ng Kongreso, dinagdagan pa ng isang linggo

Pinalawig pa ng Senado ng isa pang linggo ang regular nilang sesyon para sa mahalagang pagtalakay sa pambansang pondo sa taong 2026.

Sa inilabas na adjusted legislative calendar, magdaraos ng sesyon ang Kongreso mula nitong July 18 hanggang October 10 sa halip ba hanggang October 3 lamang.

Nag-adjust din ang adjournment ng sesyon mula October 11 hanggang November 9.

Sinabi ni Senate President Chiz Escudero na request o hiling ito ng Kamara dahil target na mai-transmit sa Senado sa October 24 ang maaaprubahan na national budget.

Samantala, inihalal naman na Chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes si Senator Kiko Pangilinan kapalit ni Senator Robinhood Padilla.

Magpapatawag agad si Pangilinan ng public consultation ukol sa mga panukalang amyendahan ang Konstitusyon.

Facebook Comments