Manila, Philippines – Makaraang hindi payagan ng Department of Labor and Employment ang motion for reconsideration na inihain ng PLDT upang palagan ang resolusyong inilabas ng DOLE kung saan ipinareregular ang mga kawani nito at pinababayaran ang monetary benefits ng mga empleyado nito na nagkakahalaga ng 51.6 million pesos, sinabi ngayon ni Labor Secretary Silvestre Bello III na final at executory na ang resolution ng DOLE.
Dahil dito, inindorso na ang 7,306 na mga manggagawa ng PLDT upang maregular sa kanilang mga trabaho.
Matatandaang noong July 3, 2017 nang ipagutos ng DOLE NCR sa PLDT at mga contractors nito ang pagreregular sa higit 7 libong nilang contractual employees at pagbabayad sa mga napabayaan benepisyo ng mga ito, makaraang kakitaan ng paglabag ang PLDT at mga contractors nito sa General Labor Standards