REGULARIZATION | DOLE, mahigpit na ipinag-uutos na sa PLDT na gawing regular ang nasa 7,000 manggagawa nito

Manila, Philippines – Naglabas ng clarificatory order ang Department of Labor and Employment (DOLE) para igiit sa PLDT na kailangan nitong sundin ang utos na gawing regular ang nasa 7,000 manggagawa nang walang kondisyon.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, ito ay matapos malaman ng DOLE na pinag-a-apply ulit ang mga manggagawa bago sila i-absorb ng kompanya.

Aniya, mayroong 10 araw ang PLDT para sumagot dito o maghain ulit ng apela.


Sabi naman ng PLDT, hindi pa nila natatanggap ang clarificatory order kaya hindi muna sila magbibigay ng pahayag.

Pero nauna nang sinabi ng PLDT na naghain na sila ng petisyon sa Court of Appeals (CA) para kuwestiyonin ang compliance order ng DOLE.

Enero pa nang ilabas ng DOLE ang kautusan, pero imbes i-regular, pinutol pa umano ng PLDT ang kanilang mga service contract kaya ang mga manggagawa ay nasa floating status ngayon.

Facebook Comments