Manila, Philippines – Niriribisa ngayon ng pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang ginawang pagbaligtad ng Court of Appeals (CA) sa kanilang desisyon na iregular ang mga empleyado ng PLDT.
Ito ang naging sagot ni Labor Secretary Silvestre Bello III hinggil sa naturang hatol ng Court of Appeals (CA).
Ayon kay Bello, layon nilang mag-sumite ng Motion for Reconsideration (MR) hinggil sa naturang isyu.
Paliwanag ni Bello na pumayag na ang Office of the Solicitor General na irepresenta ang DOLE sa nasabing kaso.
Kasabay nito ay inamin ni Bello na dahil sa nangyaring desisyon ng CA ay maantala ang pagreregular sa mahigit 7000 manggagawa ng PLDT.
Matatandaang kahapon ay sinugod ng ilang mga raliyista ang tanggapan ng Court of Appeals (CA) para iprotesta ang kanilang naging hatol sa nasabing isyu.