REGULASYON SA PAGGAMIT NG VIDEOKE AT MAIINGAY NA TUNOG SA BAYAMBANG, PASADO NA NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

BAYAMBANG, PANGASINAN – Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang Municipal Ordinance no. 17, series of 2021 o “Videoke Ordinance” na pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Bayambang.

Ang ordinansang ito ay naglalayong i-regulate ang paggawa o paglikha ng labis, hindi kailangan, o hindi pangkaraniwang malakas na tunog mula sa mga videoke/karaoke system o iba pang amplified audio device na lampas sa limit lalo na sa dis-oras ng gabi.

Ang pag-regulate umano ay kinakailangan umano mapanatili ang kaayusan sa bawat barangay o magdulot ng malubhang discomfort na nagiging dahilan ng maraming reklamo at pagkondena ng publiko habang sila ay nakakapinsala sa public health, comfort, convenience, safety, welfare at prosperity ng pangkalahatang publiko. | ifmnews

Facebook Comments