REHABILITASYON | 300 million dollar loan ng Nepal, inaprubahan ng World Bank

Nepal – Aprubado na ng World Bank ang 300 million dollar loan ng Nepal.

Gagamitin ito para sa patuloy na rehabilitasyon ng bansa matapos tamaan ng matinding lindol noon pang Abril ng 2015.

Bagamat, tatlong taon na raw kasi ang nakalipas, hanggang sa ngayon ay hindi pa nakakabawi ang bansa.


Umabot sa 9,000 ang nasawi sa pagtama ng 7.8 magnitude na lindol.

Kalahating milyon naman ang nawalan ng tahanan.

Dahil sa kakulangan ng pondo, isa pa lang sa bawat sampung residente ang napapatayuan ng bagong tirahan.

Facebook Comments