Manila, Philippines – Makikipagpulong ngayong araw ang mga opisyal ng gobyerno sa urban planner na si Felino ‘Jun’ Palafox Jr. para pag-usapan ang bagong master plan na nakatuon sa rehabilitasyon ng isla ng Boracay. Ayon kay Department of Tourism (DOT) Assistant Secretary Frederick Alegre – sisilipin ng Boracay inter-agency task force ang nasabing master plan na ipiprisinta Ni Palafox. Sinabi ni Alegre – nakapaloob sa master plan ang mga bagong features na sumusunod sa global standards kabilang ang pedestrian lanes, bike lanes, two-way streets para sa turista at maliliit na sasakyan. Isinasapinal na rin aniya ang panukalang pagdedeklara ng state of calamity sa isla bago o pagkatapos ng Semana Santa. Posible ring ipatupad ang 60-day shutdown sa Hunyo at Setyembre. Ang inter-agency committee na dadalo sa pulong ay binubuo ni Tourism Secretary Wanda tulfo-teo, Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy cimatu, Department Of interior and Local Government (DILG) O-I-C Eduardo Año. Kasama rin sa komite sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark villar at Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II.
REHABILITASYON | Bagong master plan para sa Boracay, pag-uusapan ngayong araw
Facebook Comments