REHABILITASYON | Full rehabilitation ng Marawi sisimulan palang sa June 15 matapos atakihin at makontrol ng halos 5 buwan ng Maute ISIS

Marawi – Inihayag ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Carlito Galvez Jr na sa June 15 pa lamang isasagawa ang Full rehabilition sa Marawi City matapos na atakihin at makontrol ng Maute ISIS terrorist group.

Ayon sa opisyal bilang paghahanda sa full rehabilitation tumungo na sya sa Marawi para makapag brainstorming kasama ang mga AFP commanders sa lugar.

Layon aniya nitong ma-reactivate o ma-reorganize ang tropa sa lugar upang 100 porsyento makasuporta ang Task Force Bangon sa gagawing full rehabilitation.


Titiyakin aniya nilang hindi mahihinto ang gagawing full rehabilitation sa Marawi dahil sa posibleng banta ng kidnapping o anumang panggugulo ng mga natitirang Maute ISIS members sa lugar laban sa mga contractors.

Naniniwala si Galvez na magiging matagumpay ang gagawing rehabilitation.

Una nang napaulat na aabot sa mahigit 50 bilyong piso ang magagastos ng pamahalaan para sa rehabilitasyon ng Marawi.

Facebook Comments