REHABILITASYON NG AGPAY ECOTOURISM PARK SA BAYAN NG SAN NICOLAS, NAGPAPATULOY

Nagpapatuloy ang isinasagawang rehabilitasyon ng isa sa pamosong pasyalan sa bayan ng San Nicolas na Agpay Ecotourism Park.
Nakalaan ang pondong ginagamit para sa gagawing bagong swimming pool na mayroon nang sariling mapagkukunan ng tubig.
Saklaw pa ng rehabilitasyon ang planong pagpapatayo ng mga booths o souvenir shops na makatutulong sa mga MSMEs ng nasabing bayan.

Isa rin ang pagkakaroon ng swimming lessons para sa mga elementaryang mag-aaral upang makiayon sa programang End Drowning in San Nicolas katuwang ang MDRRMO.
Samanthala, inaasahang sa buwan ng Hulyo ang pagtatapos ng nasabing proyekto na may layon pa ring mapangalagaan ang likas na yaman sa nasabing bayan. |ifmnews
Facebook Comments