Ipinagpapatuloy ng Pamahalaang Panglungsod ng Dagupan ang rehabilitasyon ng Bonuan Dumpsite bilang bahagi ng hangaring burahin ang bakas ng basura sa lugar.
Araw-araw umano itong mino-monitor ng tanggapan upang matiyak ang maayos na pag-usad ng proyekto.
Kabilang sa mga isinasagawa ang paglilinis, pagpapatupad ng environmental measures, at paglalagay ng mga sistemang makatutulong upang mapigilan ang pagbabalik ng dating kondisyon ng dumpsite.
Nananatili namang magkatuwang ang lungsod at barangay sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa proyektong “Dumpsite to Fun Site,” na layong makapaghatid ng mas ligtas at mas maayos na kapaligiran para sa mga Dagupeño.
Facebook Comments









