Rehabilitasyon ng Cagayan River, umarangkada na

Courtesy Cagayan PIO

Sinimulan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang rehabilitasyon ng Cagayan River sa lalawigan ng Cagayan.

Pinangunahan nina DENR Secretary Roy Cimatu at DPWH Secretary Mark Villar ang paglulunsad ng Cagayan River Rehabilitation Project sa bayan ng Lal-lo.

Ito’y bilang bahagi ng mga kongkretong proyekto ng Build Back Better Task Force na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Bilang pagsisimula sa proyekto, pinangunahan ni Secretary Villar ang ceremonial dredging habang si Secretary Cimatu naman ang nanguna sa pagtatanim ng kawayan.

Sa ilalim ng proyekto, ang mga sandbars sa Barangay Bangag sa Lal-lo at Barangay Casicallan Norte at Dummun sa Gattaran ang prayoridad na ma-dredge dahil pinipigilan nito ang pagdaloy ng tubig baha patungo sa Appari Delta.

Facebook Comments