Rehabilitasyon ng Dimasalang Bridge sa Maynila, posibleng tumagal hanggang Disyembre 15

Posibleng tumagal hanggang Disyembre 15 ang rehabilitasyon ng Dimasalang Bridge matapos simulan ng Department of Public Works and Highways – North Manila District Office (DPWH – NMDEO) ang pagsasaayos nito kahapon, Setyembre 14.

Unang isasagawa ang full closure sa south bound lane habang mananatiling bukas sa mga motorista ang north bound lane nito.

Dahil dito, pinapayuhan ng DPWH – NMDEO ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta upang makaiwas sa traffic.

Samantala ayon sa DPWH-NMDO, ilan sa mga isasagawa sa tulay ang retrofitting ng mga pier at abutments, pagpapalit ng mga high quality steels mula sa dating semento ng mga girders at redecking ng slab.

Facebook Comments