Nakumpleto na ng National Irrigation Administration (NIA) ang pagkumpuni sa ₱115.69 million na Dumacaa River Irrigation System sa lalawigan ng Quezon.
Target ng NIA na makapagbigay ang proyekto ng napapanahong serbisyo sa irigasyon sa may 1,839 na ektarya ng agricultural lands sa bayan ng Pagbilao at mga lungsod ng Tayabas at Lucena.
Abot sa 1,585 magsasaka at kanilang pamilya ang direktang makikinabang sa patubig.
Kabilang sa isinailalim sa repair ang mechanical works ng Alsam, Lakawan at Mayao Dams, konstruksyon at realignment ng14.74 km concrete lining, desilting works at ang rehabilitasyon at konstruksyon ng 16 na straktura.
Ayon pa sa NIA, ang repair sa irrigation system ay pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).
Facebook Comments