Aabot sa 123 silid-aralan sa Ilocos Region ang nasira dahil sa pinsalang dulot ng magkakasunod na bagyo sa rehiyon.
Sa tala ng Department of Education Region 1, ang naturang classrooms ay mula sa 73 paaralan sa rehiyon kung saan pito rin umano ang kailangang itayo muli.
Inihayag ni DepEd Ilocos Region Project Development Officer Darius Nieto, na maglalaan ang kagawaran ng 167.35 para sa rehabilitation ng mga naapektuhang paaralan.
Dagdag pa niya na mula umano ito sa Quick Response Fund ng DepEd, na pawang mga major repairs.
Dadaan sa bidding ang isasagawang konstruksyon ng mga silid aralan sa Enero at Inaasahang masisimulan ang pagsasaayos sa buwan ng pebrero at matapos bago ang klase sa Hunyo.
Samantala, paiigtingin umano ng kagawaran ang natitirang araw ng klase upang makabawi sa pagkatuto ang mga mag-aaral sa mga araw na ninakaw ng mga nagdaang sama ng panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨