Rehabilitasyon ng Manila Bay, posibleng abutin ng 7 taon – DENR

Manila, Philippines – Tinatayang aabot ng pitong taon bago matapos ang rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda, susubukan ng pamahalaan na matapos ang rehabilitation process sa Manila Bay sa loob ng pitong taon.

Pero tiyak aniya na mayroon nang pagbabago sa Manila Bay sa loob ng isa o dalawang buwan.


Aminado si Antiporda na hindi magiging madali ang rehabilitasyon ng Manila Bay dahil sa tindi ng kontaminasyon sa tubig.

Aabutin din ng P47 billion ang gagastusin sa rehabilitasyon at paglilipat sa informal settlers.

Uumpisahan ang rehabilitation process sa Manila Bay sa January 27 at sisimulan ito sa tinatawag na “billionaire’s lane” kung saan matindi ang fecal coliform level.

Facebook Comments