Rehabilitasyon ng Marawi City, sisimulan na

Marawi City, Philippines – Inatasan na ng gobyerno ang Armed Forces of the Philippines sa planong rehabilitasyon sa Marawi City.

Ayon kay task force Marawi Spokesperson, Lt/Col. Jo-Ar Herrera – ikinakasa na nila ang reconstruction, rebuilding at rehabilitation ng Marawi city kapag 100 porsyento na itong nakalaya sa mga kamay ng teroristang grupong Maute.
Nakatakda ring buksan ang Amai Pakpak Medical Center para bigyang ayuda ang mga sugatan.

Patuloy din ang pagsagip sa mga naiipit sa labanan at pagsawata sa kalaban.


Sa ngayon, napatay na ng pamahalaan ang halos 140 miyembro at kaalyansa ng Maute.
DZXL558

Facebook Comments