Nagpapatuloy ang rehabilitasyon ng mga nasirang bubong sa mga kabahayan sa Bayambang matapos tamaan ng bagyong Uwan noong Nobyembre 10, sa pamamagitan ng pamamahagi ng yero sa mga residenteng naapektuhan.
Kasalukuyang isinasagawa ang distribusyon ng yero ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Anim na yero ang ibinibigay sa mga pamilyang may totally damaged na bubong, habang tatlo naman ang ipinagkakaloob sa mga pamilyang may partially damaged na bubong.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng operasyon na matiyak na lahat ng pamilyang naapektuhan ng bagyo ay mabigyan ng agarang tulong at makapagsimula muli sa pag-aayos ng kanilang tahanan.
Dagdag pa ng LGU, magpapatuloy ang pamamahagi hanggang masiguro na walang maiiwang kabahayan na hindi nabigyan ng kinakailangang tulong.









