Tiniyak ng Task Force Bangon Marawi na matatapos ang rehabilitasyon ng mga pinaka-apektadong lugar ng digmaan sa Marawi City sa Disyembre 2021.
Ayon kay Task Force Bangong Marawi Secretary Eduardo Del Rosario, tinatayang nasa 90 hanggang 95% complete ang rehabilitation efforts sa susunod na dalawang taon base sa kanilang Master Development Plan.
Kaya inaasahang matatapos ang kauboan ng rehabilitasyon kasabay ng pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 2022.
Dagdag pa ni Del Rosario, ang clearing operations para sa debris at mga hindi sumabog na bomba ay matatapos sa October 31.
Sa November 30, hihiling ang Task Force sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na pormal ideklarang cleared ang lungsod.
Sa Disyembre sisimulan ang mga proyekto kabilang ang pagtatayo ng mga gusali.
Mula sa 96 na Barangay sa Marawi, 24 ang pinakaapektado ng digmaan.
Natapos na rin ng Task Force ang 2,200 mula sa target na 5,400 temporary shelters para sa displaced Marawi residents.
Inaasahang matatapos ang dagdag na 1,000 shelters sa unang kwarter ng 2020.