Ininspeksyon ng Pamahalaang Panlungsod ng Dagupan ang rehabilitasyon ng sea wall sa bahagi ng Bonuan Binloc matapos masira ng mga nagdaang bagyo noong nakaraang taon.
Bahagi ito ng paghahanda at katiyakan sa kaligtasan at proteksyon ng naturang sea wall kontra pagbaha at storm surge sa mga residenteng nakatira malapit sa baybayin lalo ngayong binabantayan ang posibleng maidulot ng bagyong Nando.
Kamakailan, sinimulan ang konstruksyon sa nasirang bahagi at inaasahang matatapos agad para mapakinabangan ng publiko.
Samantala, ang nasira din na slope protection sa bahagi naman ng Tondaligan Beach ay dinisensyong muli at ginamitan ng sheet piles ayon sa nauna nang pahayag ng DPWH Region 1.
Matatandaan na ang nasabing baywalk ay naapektuhan at nasira ng sunod-sunod na bagyong tumama sa Northern Luzon noong nakaraang taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









