Albay, Philippines – Suportado ang muling pagbibigay buhay sa nasirang lugar sa bayan ng Rapu-Rapu sa lalawigan ng Albay.
Nauna nang kinuwestiyon ng mga mambabatas ang operasyon nito sa rehabilitasyon na pinaglaanan ng 132-m pesos pero 15-30% pa lamang ang accomplishment nito.
Sa pahayag ni Mines and Geosciences Bureau Regional Director Guillermo Molina Jr., bilang isa sa mga kasama sa rehabilitasyon tinututukan nila ang lugar para maging eco-park o eco-tourism.
Pero sa ngayon ay hindi pa rin nito masagot kung anong nangyari sa unang pondong inilabas para sa rehabilitasyon.
Umapale naman ito sa pamunuang bayan at sa mga residente na tulungan sila para maibalik ang ganda ng kalikasan sa lugar na nasira ng iligal na minahan.
Facebook Comments