Rehabilitasyon ng riles ng MRT3, on target nang naisasagawa

Puntiryang makumpleto ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 sa target na panahon ang isinasagawang rehabilitasyon ng  mga riles ng tren upang gawing mas kumportable at mabilis ang biyahe.

Dahil dito asahang bibilis na sa 60kph ang takbo ng bawat tren kumpara sa kasalukuyan na nasa average na 30kph lamang.

Target ng MRT3 na matapos ang paglalatag ng mga bagong riles sa buong linya ng MRT3 sa Pebrero ng taong 2021 o halos 13 buwan mula ngayon.


Sa unang abiso ng MRT3, nasa 76 na piraso ng tig 180 meters na haba na riles ang naikabit na mula nang simulan ang proyekto noong nakalipas na taon.

Kasama rin sa mga napalitan na ang riles mula GMA Kamuning Station hanggang Quezon Ave Station North bound.

Facebook Comments