Rehabilitasyon ng signaling system ng MRT-3, matatapos na ngayong taon

34

Inanunsyo ng Metro Rail Transit o MRT-3 na makukumpleto na ngayong taon ang pagkakabit ng signaling system.

Dahil dito, asahang mas lalo pang magiging magaan ang byahe ng mga pasahero.


Ayon sa MRT-3 management, nasa 88% nang kumpleto ang pagkakabit ng fiber optic cables o FOCs sa buong kahabaan ng linya ng MRT 3.

Naikabit na rin ng Sumitomo contractor ang 19 sa 20 reels ng FOCs mula MRT-3 depot sa North Avenue, Quezon City hanggang Taft Avenue Station sa Pasay City.

Ipinagmalaki rin ng ahensya na mas moderno na ang inilagay na mga FOCs na noong nakalipas na administrasyon ay copper wires lamang ang ginagamit.

Target na matapos ngayong buwan na ito ang pagkakabit ng mga FOCs sa buong kahabaan ng MRT-3.

Facebook Comments

From Advertisers