Inumpisahan na sa pamamagitan ng paunang hakbangin ang pagsasaayos ng suplay ng tubig o rehabilitasyon ng Dalanguiring water works sa bayan ng Urbiztondo.
Ang pagsisimula ng rehabilitasyon ay mula sa pinagtibay na pinirmahang memorandum of agreement o MOA sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Urbiztondo at ng Dalanguiring Waterworks Association Inc.
Ayon sa alkalde ng bayan, aasahan ang mabilis na pagsasagawa ng rehabilitasyon ng naturang water works sa lalong madaling panahon.
Tinatantyang na sa loob ng isa hanggang dalawang linggo ay magiging “fully operational” na ito at maaari na muli ito makapagbigay ng sa mga consumera at residente sa bayan. |ifmnews
Facebook Comments