REHABILITASYON | Operasyon ng PNR papuntang Bicol, posibleng maibalik bago matapos ang termino ni P-Duterte

Manila, Philippines – Posibleng maibalik ang operasyon ng Philippine
National Railways (PNR) papuntang Bicol bago matapos ang termino ni
Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, isang Chinese company kasi ang
magsasagawa ng rehabilitasyon at pagsasa-ayos sa Bicol Express ng PNR.

Ito kasi aniya ang napag-usapan nila ni Chinese Ambassador to the
Philippines Zhao Jianhua kung saan popondohan ito ng 175 billion pesos.


Ang nasabing halaga ay uutangin ng gobyerno ng Pilipinas sa China at
babayaran sa loob ng dalawampung taon.

Matatandaang ilang taon nang nakatengga ang biyahe ng PNR papuntang Bicol
Region dahil sa problema sa riles.

Facebook Comments