Manila, Philippines – Pinulong na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) para balangkasin ang rehabilitasyon ng Boracay.
Ayon Environment Sec. Roy Cimatu, bibigyan ng dalawang buwan ang lahat ng establisyimento sa isla para sumunod sa environmental requirements.
Sinabi din ni Cimatu, gusto ng Pangulo na bawat establisyimento ay magkaroon ng sariling waste treatment facility.
Problema rin aniya ang dumaraming illegal settlers sa isla.
Habang may rehabilitasyon, hindi muna mag-iisyu ng Environmental Compliance Certificate o ECC ang DENR.
Facebook Comments