Rehabilitasyon sa MRT-3, pinabibilisan ng isang kongresista

kinalampag ni House committee on Metro Manila Development Chairman at Quezon City Rep. Marvin Rillo ang Department of Transportation (DOTr) para bilisan ang rehabilitasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Layunin ng pagsasaayos ng MRT-3 na mapa-abot sa 500,000 ang mga pasahero na kaya nitong isakay kadsa araw mula sa kasalukuyang 300,000.

Para sa susunod na taon ay humingi ang DOTr ng P2.9 billion para sa MRT-3 rehabilitation project na dagdag sa pondo nito ngayong taon na 549-million pesos.


Bukod pa ito sa hirit ng DOTr na P6 billion na subsidiya at P1.3 billion para sa operation at maintenance.

Tiniyak ni Rillo ang kahandaan ng Kongreso na ipagkaloob sa DOTr ang kailangan nitong pondo para maisaayos ang train line para makinabang ang mas maraming pasahero.

Facebook Comments