Rehabilitasyon sa NAIA, inaasahang magpapatapos sa mga aberya at problema sa paliparan

Umaasa si Senator JV Ejercito na maiiwasan na ang mga problema at iba pang aberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pag-take over ng San Miguel Corp. (SMC) sa pambansang paliparan.

Kasunod na rin ito ng ulat ng pagkakaroon ng surot sa mga upuang rattan at bakal sa NAIA na nagdulot ng skin irritation at rashes sa ilang mga pasahero.

Ayon kay Ejercito, humingi naman na ng paumanhin ang NAIA sa insidente at umaasa siyang mawawala na ang mga ganitong problema oras na maisapribado na ang paliparan.


Matatandaang ini-award na ng gobyerno ang P170 billion contract sa SMC para sa rehabilitasyon ng NAIA.

Facebook Comments