Manila, Philippines – Nakatakdang pirmahan ngayong araw ang multibillion-peso loan contract ng Pilipinas at Japan para sa rehabilitation at maintenance ng Metro Rail Transit line 3 (MRT-3).
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Rails Timothy John Batan – ang loan ay nagkakahaaga ng ₱18 billion o 38 billion yen na ipagkakaloob ng Japan International Cooperation Agency (JICA).
Ang loan ay mayroong interest rate na 0.1% per year at may repayment period ng 28 taon pagkatapos ng 12 year grace period.
Aabutin ng 43 buwan ang overall rehabilitation ng MRT-3 – 31 buwan para sa simultaneous rehabilitation and maintenance works at 12 buwan para sa ‘defect liability period’ ng contractor.
Sakop ng rehabilitasyon ang mga tren, radio system, CCTV system, signaling system, power supply system at ang public address system.
Inaasahan ding aayusin ang riles, road rail vehicles, depot equipment, elevators at escalators at iba pang kagamitan sa mga istasyon.