Target na rin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na isailalim sa rehabilitasyon ang Baguio City.
Ito ay sa harap na rin ng mga problema patungkol sa Geohazard at mabigat na daloy ng trapiko sa lungsod.
Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, isusunod nila ang Baguio pagkatapos ng rehabilitasyon ng Boracay, Palawan at Bohol.
Aniya, karamihan sa mga lupa sa Baguio ay saturated at maraming bitak-bitak.
Ikinukunsidera na rin ang paggamit ng electric vehicles sa lungsod dahil sa problema ng polusyon sa hangin.
Facebook Comments