Aklan – Balak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na limitahan ang bilang ng mga turista at imprastruktura sa Boracay.
Sabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III, kasunod ito ng ginagawang pag-aaral ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR) sa carrying capacity o dami ng tao na kaya ng isla para mapangalagaan ito.
Pinag-aaralan na rin ng DENR ang posibleng paglimita sa mga imprastrukturang itatayo sa isla.
Kaugnay nito ayon kay Densing, hindi pa nila matukoy kung kailan maaaring simulan ang pagpapa-book ng flight ng mga turista at tourist operators.
Una nang inihayag ni DENR Secretary Roy Cimatu na bubuksan muli sa October 26 ang Boracay, anim na buwan matapos itong isailalim sa rehabilitasyon.
Facebook Comments