Sa pulong ng ARMM Humanitarian Emergency Action Response Team (ARMM HEART)
at ng mga miyembro ng Mindanao Humanitarian Team ay tinalakay ang updates
kaugnay ng rehabilitation efforts sa Marawi City.
Inilatag ni ARMM Executive Atty. Laisa Alamia na s’yang nanguna sa pulong
ang mga ayuda na naibigay na ng regional government upang makatulong sa
recovery at rehabilitation efforts sa Marawi City at sa iba pang apektadong
lugar.
Sinabi ni Sec. Alamia na ang mga intervention ng ARMM government ay hiwalay
sa mga pagsisikap ng Task Force Bangon Marawi (TFBM).
Sa kasalukuyan, ang regional government ay nakapagbigay na sa Marawi city
ng P25 million para sa rehabilitation ng government center at health office
nito, P19 million para sa construction ng integrated public market at
transport terminal, P15 million na suporta sa livelihood projects para sa
IDPs.
Dagdag pa dito ang P30-million na pondo para naman sa provincial government
ng Lanao del Sur para sa konstruksyon ng public market sa bayan ng Bubong.
Ang mga proyekto ay tutugon sa mga usapin sa livelihood, normalization at
recovery ng IDPs, dagdag pa ni Sec. Alamia