REHABILITATION | Investment program para sa economic recovery ng Boracay, bubuoin ng NEDA

Bumubuo na ang National Economic and Development Authority (NEDA) ng isang investment program na makatutulong sa economic recovery ng Boracay.

Ito ay kasunod ng anim na buwang rehabilitasyon ng isla.

Ayon kay NEDA Undersecretary Adoracion Navarro, tumutulong sila sa iba’t-ibang proyekto ng ilang ahensya na kailangan para mapaangat muli ang ekonomiya ng tourist destination.


Aniya, ilang pribadong kumpanya rin ang nangakong tutulong.

Inaasahang aabot sa ₱1.9 billion ang mawawala sa ekonomiya habang aabot sa 35,000 manggagawa ang naapektuhan dahil sa anim na buwang pagsasara ng Boracay.

Nakatakdang magbukas ang Boracay sa October 25.

Facebook Comments