Manila, Philippines – Pinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Task Force Bangon Marawi ang kanilang preparasyon para sa Reconstruction and Recovery ng Marawi City.
Matatandaan na nakipagpulong kahapon si Pangulong Duterte sa Malacanang sa Department of social Welfare and Development, HUDCC, HLURB, Department of Defense, NHA, PAG-IBIG Fund at Local Water Utilities Administration para kumuna ng update sa ginagawang rehabilitation Plan.
Binigyang diin ni Pangulong Duterte, dapat ay tapos na at ipatutupad nalang ang kanilang plano sa oras na matapos na ang kaguluhan sa Marawi City.
Ito aniya ang dahilan kaya dapat isapinal ang mga ilalatag na plano sa rehabilitasyon ng Lungsod upang agad itong maipatupad.
Matatandaan naman na sinimulan na ang pagtatayo ng mga Temporary shelter sa mga residente ng lungsod na apektado ng kaguluhan.
Rehabilitation plan para sa Marawi City, pinamamadali ni Pangulong Duterte
Facebook Comments