Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Sonny Angara sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan na magkaroon ng Rehabilitation Program para sa mga adik sa sugal.
Ang mungkahi ni Angara ay kasunod pa rin ng nangyaring pag-atake at pag-sunog sa Resorts World ng isang armadong suspek na umano’y lulong sa Casino.
Sa nabanggit na insidente ay 37 ang nasawi, maliban sa suspek na sinunog ang sarili habang mahigit 70 ang sugatan.
Ayon kay Angara, hindi sapat na basta lang ipagbawal ng Philippine Amusement and Gaming Corporations o PAGCOR sa mga Casino ang mga lulong na sa sugal.
Ang mahalaga, ayon kay Angara ay mabigyan ang mga ito ng tamang psychological counseling at treatment para malampasan ang kanilang problemang hatid ng pagka adik sa sugal.
Umaasa si Angara na sa pagpasa ng Mental Health Bill, ay mapapasama sa Mental Health Services And Programs ng pamahalaan ang Gambling Rehabilitation.
DZXL558