Rehabilitation program para sa mga drug dependent, patuloy na itinataguyod ng PNP

Nagpapatuloy ang programa ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa rehabilitasyon ng mga drug dependent bilang bahagi ng kampanya kontra iligal na droga.

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ito ay kasunod na rin ng matagumpay na Recovery and Wellness Program ng PNP para sa mga sumukong drug dependent.

Sinabi ni Azurin na mahigit 654,000 drug users ang nakapagtapos na sa Recovery and Wellness Program ng sinimulan ng PNP mula Hulyo 2016 hanggang Oktubre 2022.


Ito ay mahigit 50 porsyento ng 1.2 milyong drug dependents na bolunyaryong sumuko sa PNP para sumailalim sa naturang programa na tumatagal ng isa hanggang tatlong buwan.

Paliwanag ni Azurin, ang recovery and wellness program ay ang huling yugto ng PNP anti-drug strategy.

Facebook Comments