Nagsagawa ng rehearsal para sa civic and military parade ang iba’t ibang pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kaugnay sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa bahagi ng Maria Orosa, nagsimula ang martsa ng mga kasama sa “parading units” na kinabibilangan ng mga personnel mula Philippine Coast Guard (PCG), mga pulis mula sa PNP, Philippine Navy, Philippine Air Force (PAF) at iba pang mula sa PNP Academy at Philippine Military Academy (PMA).
Ipinakita rin ang mga sasakyan at assets mula sa mga mobile, trucks, tangke, iba’t ibang gamit ng AFP, PNP at PCG na ide-deploy sa araw ng oath taking ni President-elect Bongbong Marcos.
Layon ng rehearsal na matiyak na handang-handa na ang security forces para sa inagurasyon ng bagong pangulo sa June 30.
Dito, siniguro din na batid ng mga tropa ang kanilang gagawin sa araw ng oath taking ni BBM kung saan naghahanda na para sa 2nd round ng rehearsal.
Habang sa Miyerkules naman o bisperas ng inagurasyon ay magdaraos muli sila ng huling rehearsal.