Manila, Philippines – Magkakaroon ng rehearsal si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang State of the Nation Address o SONA sa susunod na linggo.
Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, sa Malacañang, gagawin ang rehearsal ni Pangulong Duterte at sinabi naman ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ay sa darating na linggo ito magsasanay ng kanyang SONA.
Wala pa namang nababanggit ang dalawang kalihim kung ilang revisions ang pinagdaanan ng talumpati ng Pangulo at kung ano ang mga lalamanin nito.
Posible namang makasama sa kanyang SONA ang issue sa Bangsamoro Basic Law (BBL), 2019 national budget, Pederalismo, War on Drugs at Build build build program ng Pamahalaan.
Una nang sinabi ni Roque na hindi lalampas ng 35 minuto ang talumpati ng Pangulo sa SONA.
Sinabi narin naman ng Malacañang na patuloy ang ginagawang paghahanda ng technical aspects ng SONA kung saan nagsagawa na ng mga ocular inspections ang magiging director nito na si Joyce Bernal.