Rehistrasyon para sa National ID sa isang lugar sa Bulacan, ipinatigil dahil sa paglabag sa health protocols

Sinuspinde ng pamahalaan ng San Jose Del Monte, Bulacan ang pagsasagawa ng rehistrasyon para sa National ID sa kanilang lugar matapos itong dagsain ng maraming tao kung saan hindi na nasunod ang social distancing.

Ayon kay Atty. Rizaldy Mendoza, Assistant City Administrator, 1,600 katao lamang ang kanilang inaasahang magtutungo sa lugar matapos nilang ipaabot ang imapormasyon dito sa pamamagitan ng text message ngunit aabot sa 4,000 rehistrante ang dumating na hindi naman naka-iskedyul.

Dahil dito, nagpasya ang lokal na pamahalaan na suspindihin muna ang rehistrasyon ng dalawa hanggang tatlong araw.


Maliban sa mga nasa tamang edad, nabatid na dinagsa rin ang venue maging ang mga senior citizens at kabataan na naging dahilan ng pagsisiksikan ng mga tao.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang Philippine Statistics Authority (PSA) kaugnay rito.

Facebook Comments