REHIYON DOS, TOP PRODUCING REGION SA MAIS AT PALAY

CAUAYAN CITY- Nakuha ng Lambak ng Cagayan ang ika-unang pwesto bilang top producing region ng mga agriculture products para sa taong 2023.

Ayon kay Regional Executive Director Rose Mary Aquino ng DA RFO2, nanatiling top 1 ang rehiyon sa produksyon ng mais kung saan nakapagtala ito ng mahigit 1.9 milyong metric tons habang pangalawa naman ito sa produksyon ng palay na nakapagtala ng mahigit 2.9 milyong metric tons.

Bukod rito ay nakapag-ani rin ng 300,000 metric tons ng munggo kung saan 14.96% ang ambag nito sa kabuuang produksyon sa bansa.


Ang magandang performance ng mga magsasaka sa rehiyon pagdating sa produksyon ng kanilang mga ani ay dahil sa pagtutulungan ng mga stakeholders at LGU.

Facebook Comments