Manila, Philippines – Sa official statement ng Sanofi Pasteur, ang manufacturer ng Dengvaxia Vaccine, ang reimbursement nito na tinatayang aabot sa 1.4 billion pesos na halaga para sa mga bakuna na hindi pa nagagamit ng Department of Health (DOH), ay wala anilang kinalaman sa safety at quality issue na ibinabato sa Dengvaxia.
Ayon sa Sanofi, ang pababayad nilang ito sa DOH ay upang mas maging bukas ang komunikasyon nila sa DOH kaugnay sa usapin ng dengue vaccine.
Kaugnay nito, humiling na ng diyalogo ang Sanofi Pasteur sa Department of Health (DOH), sakaling may mga katanungan ang DOH sa gagawing reimbursement, at upang makahanap na rin anila sila ng paraan upang maipaunawa sa publiko ang dengue vaccination na ayon sa kanila ay na misunderstood ng publiko, dahil sa kulang na impormasyon naipamahagi sa publiko.