REINA MERCEDES PS, NAGBIGAY PAALALA SA MGA MOTORISTA

Cauayan City – Muling pinaalalahanan ng Reina Mercedes – Police Station ang mga motorista kaugnay sa pagiging responsable at maingat sa pagmamaneho sa kalsada.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Police Major Charles CariƱo, hepe ng Reina Mercedes – Police Station, isa ang vehicular accidents sa mga insidenteng madalas na maitala sa kanilang nasasakupan.

Hinggil dito, upang maiwasan ang mga aksidenteng naitatala, ang hanay ng Reina Mercedes – Police Station ay nag sasagawa ng kabi-kabilaang intervention programs.


Sinabi ni Police Major CariƱo, hindi talaga kayang kontrolin ng kapulisan ang mga aksidente, kaya naman nagsasagawa sila ng Information Dissemination, Mobile, at Foot Patrol upang mabawasan ang aksidente sa naturang bayan.

Panuorin ang kanyang naging pahayag:Ā CLICK HERE!

Facebook Comments