Reinstatement kay Supt. Marcos at sa mga tauhan nito, garapalan na ayon sa isang mambabatas

Manila, Philippines – Tinawag ni Akbayan Rep. Tom Villarin na garapal ang desisyon na ibalik sa serbisyo si P/Supt. Marvin Marcos at ang mga tauhan nito na nasasangkot sa pagpatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Kaugnay nito ay iniutos ni Pangulong Duterte ang reinstatement ni Marcos at ng mga tauhan nito kung saan pinuno na si Marcos ng PNP CIDG Region 12.

Giit ni Villarin, garapalan na ang ginagawa ng gobyerno na pagpapabalik sa pwesto sa mga pulis na dawit sa krimen.


Malinaw na ito aniya ay pagpapairal ng impunity at paglabag sa batas.

Dagdag naman dito ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat, ito ay malinaw na pinapatawad na ng gobyerno sina Marcos at ang mga kasama nito sa kabila ng nagawang krimen.

Tinototoo lamang aniya ng Pangulo ang pangako nito na walang pulis ang makukulong sa pagtupad sa kampanya kontra iligal na droga.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments