Reinstatement ni Sec. Gavez sa OPAPRU, malugod na tinanggap ni DND Sec. Teodoro

Welcome para kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang pag-reinstate ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay Secretary Carlito Galvez Jr., sa kanyang dating posisyon bilang kalihim ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU).

Ayon kay Teodoro, matagal na hinawakan ni Sec. Galvez ang OPAPRU at kabisado na niya ang lahat ng aspeto ng peace process.

Sinabi pa ni Gibo na ang peace process ay isang mahalagang bahagi ng National Security at magiging katuwang niya si Sec. Galvez bilang peace adviser sa pagtataguyod ng pambansang seguridad.


Matatandaang pansamantalang hinawakan ni Sec. Galvez ang DND bilang Officer-in-Charge bago itinalaga ni Pangulong Marcos si Teodoro sa pwesto.

Facebook Comments