Reintegration plans para sa mga OFWs na maapektuhan ng gulo sa Middle East, dapat paigtinging ng gobyerno

Iginiit ni OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino sa gobyerno na paigtingin ang reintegration plans para sa 90,000 na Overseas Filipino Workers o OFWs na maaaring maapektuhan ng namumuong gulo sa Middle East.

Sinabi ito ni Magsino makaraang ilahad ng mga kaukulang ahensya ng pamahalaan sa briefing ng Committee on Overseas Workers Affairs na wala pang OFWs ang humihiling ng boluntaryong repatriation pauwi ng Pilipinas kaugnay sa tensyon sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Magsino, tiyak naiipit ang mga OFWs sa pagpapasya kung pipiliin nilang manatiling nagtatrabaho sa mga bansa sa Middle East kahit magkaroon ng gyera o bumalik sa Pilipinas kung saan wala silang pagkakakitaan at magugutom ang kanilang pamilya.


Bunsod nito ay pinapatiyak ni Magsino sa pamahalaan na kung babalik ng bansa ang mga apektadong OFWs ay may konkretong proyektong kabuhayan o mekanismo ng financial assistance na sasalubong sa kanila upang makampante sila.

Facebook Comments