Reklamo kay Marikina Rep. Marcy Teodoro, sasailalim pa sa case build-up bago umusad sa pormal na imbestigasyon —DOJ

Sasailalim pa sa case build-up ang reklamo laban kay Marikina 1st District Representative Marcelino Teodoro.

Inireklamo si Teodoro ng dalawang babaeng pulis na nagsilbi niyang close-in security ng umano’y paglabag sa Revised Penal Code o Acts of Lasciviousness.

Sa ilalim ng Department Circular No. 20 ng DOJ, kailangang magsagawa muna ng case build-up at legal evaluation.

Ito ay para suriin kung sapat ang ebidensiya bago sumalang sa preliminary investigation at ituloy ang kaso.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), sa pamamagitan nito ay babatay sa malinaw at sapat na ebidensiya at hindi sa kulang o mahina lang na reklamo ang kanilang aksyon na gagawin.

Una nang itinanggi ng kongresista ang mga paratang na tinawag niyang pamumulitika lamang.

Facebook Comments