Personal na nagtungo sa Department of Justice ang ilang kaanak ng nawawalang mga sabungero upang magsampa ng reklamo laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.
Kinumpirma ni Ryan Bautista, kapatid ng isa sa mga nawawala na si Michael Bautista, na naghain sila ng mga kasong murder at serious illegal detention. Kasama rin nila ang ilang sinasabing saksi sa insidente.
Dumating din ang mga tauhan mula sa PNP-CIDG dala ang mga dokumentong magsusustento sa kaso. Umaasa ang mga kaanak na magsisilbing simula ito ng pagkamit ng hustisya para sa kanilang mga mahal sa buhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









