Tuesday, March 17, 2026

Reklamo laban kay Sen. Joel Villanueva sa flood control anomaly, ipinasa na ng DOJ sa Ombudsman

Ipinauubaya na ng Department of Justice (DOJ) sa Office of the Ombudsman ang reklamong inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Senator Joel Villanueva kaugnay sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, ipinasa na nila ang mga reklamong malversation kay Villanueva sa Ombudsman at sila na raw ang magdedesisyon kung may sapat na basehan para iakyat sa korte ang mga kaso.

Bukod sa malversation, nahaharap si Villanueva sa reklamong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, direct bribery, corruption of public officials, at paglabag sa Government Procurement Reform Act.

Ipinadala sa Ombudsman ang mga reklamo kay Villanueva dahil sila ang may saklaw sa mga kaso kapag nasa Salary Grade 27 pataas.

Deputized lamang din daw sila ng Ombudsman at kinakailangan pa ring iendorso dito ang mga kaso para malaman kung matibay ang mga ebidensya at ihain sa korte.

Facebook Comments